Nasaan man kayo kabayan, sa loob o sa labas ng
bansa, baka pwede kayong magbigay ng sarili
nyong kuro kuro tungkol sa education dito sa Pilipinas. Sa ngayon po kasi, ang pagpapaaral sa kolehyo ay napakalaking gastusin na. At kapag nakatapos naman po ay wala pa namang kasiguruhan na makakahanap talaga ng trabaho. Kung
wala pong tamang pagplaplano ay malamang na masayang lang ang malaking perang ibinayad sa pagaaral. Ayon sa isang survey noong nakaraang taon, tumaas ang bilang ng mga walang trabaho kumpara noong 2012, at 21% sa kanila ay mga college graduates.
Lubos akong nagpapasalamat sa aming mga magulang (parehong yumao na) dahil sa gitna ng kahirapan ay nagawa nilang pagaralin kami, apat na lalaking magkakapatid, hangang sa makatapos sa college. Ang kurso ko ay Commerce, major sa banking and finance. Sa college, marami akong mga pinagaralan na 3-unit subjects sa Economics, Management, Finance, Law etc. Lahat ng mga yan, bayad sa pawis ng aming mga magulang. After four long years, graduate na rin ako in 1970, tanda na no? Ha ha ha!
Swerte naman at di nagtagal ay nakapasok akong empleyado sa isang malaking bangko. Nagulat ako pagpasok ko sa trabaho dahil ang nag train sa akin ay isang high school graduate. At nalaman ko rin na may mga ilang pang empleyado ng bangko ang hindi tapos sa pagaaral. Isa pa nga sa kanila ay naging isang magaling na branch manager ng bangko. Nalaman ko rin na ang mga empleyadong nakatapos, hindi naman lahat ay banking and finance, kundi galling sa ibat ibang kurso. Ganun?
Eto talaga ang matindi. Sa dinami dami ng pinagaralan ko sa college, na pinaghirapang bayaran ng aking mga magulang, at pinaglaanan ko ng apat na taon ng aking buhay, basic math at english lamang ang nagamit ko sa aking trabaho. Ang knowledge at skills that matters pala ay sa trabaho mo mismo makukuha. Maski pala hindi ka tapos ng college, kung papayag at tatangapin ka ng mga negosyante ay pwede ka ng maging isang magaling na empleyado. Sa mga nakatapos ng college na nagtratrabaho ngayon, tanong ko lang, nagagamit ba ninyo ang lahat ng pinagaralan ninyo sa inyong mga trabaho? Malamang hindi.

Ano ba ang
tinutumbok ko dito? Kabayan, sa napakatagal ng panahon, tuloy pa rin ang gawain
ng mga eskwelahan na magturo ng mga irrelevant subjects, na binabayaran sa
perang pinaghirapan ng mga magulang. At kasabwat dito ang mga negosyante dahil
kadalasan ng mga requirements nila sa mga applicante ng trabaho ay “must be a college graduate”. Pero
kung tutuusin, ang trabaho ay doon mismo sa kumpanya mapagaaralan kung paano
gawin at hindi sa college. Of course, dapat din na marunong sa communication at
basic math ang applicante, at yan ay sa eskwelahan talaga napagaaralan. Kasabwat
din dito ang gobyerno. Kung kailan lamang ay dinagdagan pa nila ng dalawang
taon ang pagaaral ng mga bata, para daw mapataas ang kalidad ng edukasyon sa
bansa. Ibig sabihin ay nadagdagan na naman ng dalawang taon ang paghihirap ng
mga estudyante at mga magulang. Bakit kaya hindi pagtuunan ng pansin ng
gobyerno ang mga irrelevant subjects sa mga colleges para naman maibsan ang
hirap ng mga magulang?
Tanungin ko rin
kayo mga kabayan. Sa panahon ngayon, kapag nakatapos na ba sa college ang
isang tao ay gaganda na ang kanyang kinabukasan? Malamang ang sagot ninyo ay
hindi, o kaya naman ay depende. Pero noong panahon ng mga grand parents nyo,
kapag sa kanila ibinato ang tanong na eto, ang malamang na sagot ay Syempre o
kaya naman ay OO. Noon kasi, panahon ni
lolo at lola ay maraming trabaho (Industrial age) lalo na kung mataas ang
pinagaralan mo. Pero ngayon, (Information age), bukod sa napakarami na ang
grumagraduate tuwing semester, nagtitipid na ang mga kumpanya, at imbes na tao
and gamit ay computer na. Napakaraming trabaho na ang nawala dahil sa
computers. Computers na hindi nagrereklamo, at dahil walang sweldo, wala ring
umento. Computers na hindi nagbabakasyon, 24 hours kung magtrabaho, walang
labor union, walang vacation leaves at iba pang benefits. Isang computer lamang
na gagawa sa trabaho ng maraming tao. Kung kayo yong negosyante, anong pipiliin
mo na magtrabaho para sa iyo? Tao ba? Iba na ang panahon ngayon, nagbago na.
Marami ng mga nangyayari ngayon na parang hindi kapanipaniwala. Mga bagay na kailangan
noong unang panahon pero ngayon ay hindi na. Pati college education na noon ay
malaki ang maitutulong ay parang hindi na nakakatulong ngayon. I would like to make
an exception to the Law, Medical, Engineering/Architectural professions.
Kung may trabaho ka ngayon, hindi ka kaya palitan ng boss mo ng computer? Oo nga pala, alam na ba ninyo yong dinedevelop na kotse ng google? Ang kotseng eto ay hindi na kailangan ang driver. Iba na talaga ang panahon ngayon kabayan. Parang hindi yata maganda ang pagbabagong dala ng pagunlad, lalo na sa mga empleyado. Ano palagay ninyo?

Heto naman ang good
news! Ang sabi ni Robert Kiyosaki, author ng best selling book na “Rich Dad
Poor Dad”, sa panahon ngayon ng Information Age, kung gusto mong umasenso,
asikasuhin mo ang negosyo mo at hwag yong negosyo ng ibang tao. Ibig nyang
sabihin ay magnegosyo ka at hwag maging empleyado. Sa totoo lang kasi kabayan,
ang sweldo ay hindi naman permanente. Pwede etong mahinto sa napakaraming
dahilan, at ang masakit ay kung hihinto eto ng di mo inaasahan. Para naman
mapangiti kayo, kahit konti lang, basahin nyo etong lumabas sa Facebook:
Tama ba yong nabasa
mo kabayan? Nagpapatawa lang po.
Seryoso na po tayo.
Meron pong eskwelahan ngayon na nagtuturo kung paano yumaman sa pagnenegosyo.
Mura lang po ang tuition at minsan ka lang magbabayad. Maski sino pwedeng
magenroll dito, walang age, gender or educational requirements. Tuturuan ka dito
kung papaano mapapaganda ang pagkatao mo at kung papaano ka maging leader. Ang
mga guro mo ay mga graduates ng eskwelahan na pawang mga negosyante at mga milyonaryo
na. At hindi ka lang nila tuturuan. Susuportahan at gagabayan ka pa nila
hangang sa ikaw ay grumaduate. Kakaiba sa eskwelahan na eto dahil pag
enroll mo ay marami kang tatangapin na regalo, mas marami pa kaysa ibinayad
mong tuition. Bibigyan ka na rin nila ng prangkisa na magnegosyo, gamit ang
pangalan ng eskwelahan, kaya habang nagaaral ay negosyante ka na at kumikita ka
pa. At kapag ang kinita mo ay umabot na sa isang milyong piso, usually mga 2 taon
or less, graduate ka na at ikaw ay magtuturo na rin. Habang dumadami ang
natuturuan mo, lumalaki lalo ang kinikita mo. Ang eskwelahan na eto ay
magwawalong taon na, at halos 800 na estudyante na rin ang naging milyonaryo.
Kabayan, kung sa tingin mo ay maganda ang eskwelahan na eto para sa iyo,
message mo ako.
No comments:
Post a Comment